"Pinoy sa pinoy pero bakit pa naglalaban, ano ang kaguluhan pagdating sa ating lipunantinaas ko nang bandila minsan pero napatid at hindi kana makatulog sa gulo nitong hatid,
may mga nagugutom pagkat salat sa kayamanan, sila ay binaon ng sistema na gawa ng kahirapan.
Naglipana ang mga kabataang paslit at nagtatakbuhan sa langsangan "lapitan mo sila at maiigi mong titigan, ito ang nakikita sa bawat mga hinagpis, isinisigaw ang bawat luhang pumapatak sapagkat kailangang matitiis, at sa gabi na malamig walang masisilungan, kung ikaw man ay di mo masisikmura ang para sa kanila ay masarap na na ulam ng kanilang hapunan.
kailan kaya titigil ang ating personal na mga labanan, kailan kaya ipagbubuklod ang mga nag-aaway sa gitna ng kapayapaan, at sa bawat kanilang mga laban ay mayron natatapakan, sila ang mga walang malay ng mga bata na walang matawag na tahanan.
ano ang silbi ng iyong yaman kung ikaw ay nagiisa at ang kapangyarihan sayong munting mundo ay iyong pinagkakasya... Buksan ang bagong pinto. kung saan tayo ay nabubuhay sa pantay sa sistema...
subalit ano ba ang yung nakita? ano pa ba ang silbi ng bukas kapag nawala na.......?
by: realmackoy of brownkonekzion

No comments:
Post a Comment